Nagsimula ang lahat
sa kanyang sinapupunan
Ang binhi'y inaruga sa loob
ng siyam na buwan
Unang sulyap sa liwanag
ng sanggol na iniluwal
Pag-asa ng buhay
para sa
ANAK
nyang mahal.
Paggising sa umaga
paslit na ang kanyang gagap
upang malusog na gatas nya
ay maipalasap.
Habang lumalaki,
siya pa rin ang hanap-hanap
Mainit nyang pagmamahal
Hindi matatawaran ang pagtitiis
at paghihirap ng isang
INA
sa pamilyang naturan
Sa pagmulat palang
ng kanyang mga mata
pagsisilbing walang kapaguran
ang naghihintay sa kanya.
ang naghihintay sa kanya.
Napapansin mo ba
ANAK
ang sugat
sa kanyang mga palad
sa walang-sawang paggawa
sa loob ng tahanan?
Salat sa pag-idlip... kulang sa pahinga
Naisaayos nang lahat...
damit, pagkain at higaan.
Naitanong mo ba
ANAK
kung ang
INA
ay pagod na?
O di mo alintana na siya'y hapong-hapo na.
Minsan nama'y alalahanin
na siya ay lingapin.
Isang malamyos na hagod
ay sapat nang pumawi
sa ngalay ng kanyang likod.
Meron din namang isang
INA
na halos magkandakuba
sa pagtatrabaho.
kumita lang ng pera.
Lilisanin ang
ANAK
sa loob ng ilang oras
at pag-uwi sa tahana'y
gawaing-bahay pa rin ang naghihintay.
Sadyang kahanga-hanga ang tibay ng kalooban
ng isang
INAng
nawalay sa kanyang pamilya.
Piniling mapalayo, makapaghanap-buhay lang
para mabigyan ng magandang kinabukasan
ang mga anak na naiwan.
Iba't-ibang sakripisyo ang kinakaharap
ng isang
INAng
nawalay sa kanyang pamilya.
Piniling mapalayo, makapaghanap-buhay lang
para mabigyan ng magandang kinabukasan
ang mga anak na naiwan.
Iba't-ibang sakripisyo ang kinakaharap
ng isang
INA
Walang makahihigit pa sa pagmamahal
na alay nya
sa kanyang mga supling
na patuloy nyang pinaglilingkuran.
Pagmulat sa umaga
hanggang pagpikit sa gabi...
Sariling kaligayahan, ay hindi na mahalaga
Maaari tayong magkaroon ng maraming
kapatid
Di mabilang na kaibigan at
sanlaksang kamag-anakan
Subalit iisa lamang ang ating
INA
na handang ibigay kahit buhay niya
Nagsisilbing
ILAW ng ating TAHANAN
nagbibigay liwanag
sa bawat sulok ng ating katauhan.
No comments:
Post a Comment
Your thoughts, ideas, opinions and suggestions about my post are highly appreciated. My deepest and warmest greetings to you. GOD bless always!