"Makabagong Mukha ng Isang Kawatan"


"Ano ba ang itsura ng isang kawatan?
Paano mo makikilala kung may takip ang mukha niya?
Hinihintay ang dilim para makapagnakaw sya.
Ganito sila noong araw, ngayon... hindi na."


Simplymarrimye - Makabagong Mukha ng Isang Kawatan - pic1


"Pwede nang kumamkam ng pera ng bayan
ang mga buwayang hungkag ang tiyan
Di na kailangan pang maglagay ng maskara
dahil kahit harap-harapa'y nilulustay nila."

Simplymarrimye - Makabagong Mukha ng Isang Kawatan - pic2

"Ang kaawa-awang si Juan... nagkandakuba na
sa paghahanap-buhay para sa pamilya.
May pinaglalaanan na ang kakarampot na kita
panggastos sa bahay at pampaaral sa mga bata."


Simplymarrimye - Makabagong Mukha ng Isang Kawatan - pic3

"Nasaan na ang buwis na ibinayad nya?
Napunta lang sa bulsa ng mga ganid sa pera
Mga nasa posisyon na nagmamalinis pa
Handa na kayang ibunyag mga pangalan nila."


Simplymarrimye - Makabagong Mukha ng Isang Kawatan - pic4


"Dati-rati... matapang silang magtanong
sa mga naakusahan na mandarambong
'Yun pala naman... may tinatagong lansa
na masahol pa sa amoy ng bulok na isda."


***Images not mine***



41 comments:

  1. People nowadays especially in our government - some of them are not doing their jobs. They like getting money from the people. I hope this PDAF issue will resolve now.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Somebody has to go to jail or else, Filipino people will be left hanging again just like what happened to other plunder cases involving high-profile government officials.

      Delete
  2. isang tula nagbibigay liwanag
    sa makabagong kawatan ng lipunan
    salamat dito, nawa'y mabasa ng kinaukulan
    upang makita nila ang mga dapat tandaan…

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mukhang makakapal
      ang kanilang mga mukha
      Hindi yata tinatablan ang mga
      damuhong walang konsensiya.
      Malilinlang nila ang lahat ng tao
      pero di kailan man sila
      iiwanan ng kanilang anino.

      Delete
  3. this poem is very funny to read! i enjoyeed every bits of it! and maybe because it says all the htings real and all the truth about what's really happening now in our government.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Making this poem is a way of relaying my thoughts over this controversial scam that made the Filipinos rallied with fury.

      Delete
  4. Makabago na ang kawatan ngayon, di na yung nakikita sa kalye kingdi yung mga nakapormal at dapat mamuno. Nakakalungkot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. At ang mas nakakalungkot... nasa REHAS agad ang mga small-time magnanakaw pero ang mga BIG-TIME kawatan, magkakasakit bigla at OSPITAL ang bagsak... pati mga doktor, kinakasabwat. :(

      Delete
  5. Tama ang sinabi mo. Kung noon madaling makilala ang mga magnanakaw o snatcher sa suot na damit pa lang. Ngayon iba na ang mga kawatan, nakacoat and tie na. Kawawang Juan harap-harapan nililiko ng mga taong minsan ibinoto nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang mga opisyal ng pamahalaang sinangkot ng mga whistle blowers ay wala raw alam. Madali talaga para sa kanila ng UMARTE sa harap ng camera.

      Delete
  6. This is probably one of the reasons why our country is still suffering!. You don't know who to believe and who to trust, that's why sometimes I hate politics (politicians).

    ReplyDelete
    Replies
    1. The people whom we put our trust are those who betray us and this is really a disappointing reality.

      Delete
  7. Nakakalungkot isipin na kapwa Pilipino pa natin ang nagnanakaw ng pera ng bayan. Sana talaga mabigyan ng lubusang aksyon ang kasalukuyang poblema ng bansa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala talagang sumisira sa bakal kundi kalawang. Kung pwede nga lang na gamitan ng magnet eh para dumikit lahat ang kalawang.

      Delete
  8. Nice poem.Napapanahon talaga. Kaawa awang Juan, nagkukumayod para sa pamilya, kaban ng bayan nama'y kinakamkam ng mga seksing buwaya. :D Paano nga ba aasenso ang ating bayan kung mula sa pinakamaliit ng sektor ng pamahalaan ay laganap na ang katiwaliaan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po sa papuri :)

      NapaSMILE naman ako sa SEKSING buwaya... Dapat kasi pangalanan harap-harapan para magkaalaman.

      Delete
  9. If you know what is happening here in our city (Zamboanga). And I don't wana believe that what's happening here is all about conspiracy. Government is doing something fishy just to get some $$$. Nakakaawa yung mga apektadong tao dito. Nakakainis ang mga taong behind this. May mukha pa silang napapakita dito. Nakakasad lang. :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. This is another devastating event in our country today. Pinoy sa Pinoy, naglalabanan. May mga pangyayaring hindi natin ubos maisip kung bakit nagagawa ng kapwa Pilipino.

      Delete
  10. After reading the first verse I remember those women in Saudi who wear those black niqab. Their faces are not seen but other people still recognize them.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wearing something because of tradition is not the same with putting a mask to do something evil.

      Delete
  11. Sadyang nakalulungkot and mga pangyayaring ito sa ating bansa. Kailan pa kaya tayo makakaalpas sa mga ganitong klaseng kawatan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Parang MISSION IMPOSSIBLE na makaalpas tayo sa mga ganitong klase ng kawatan dahil kahit sino yata ang pumalit sa mga posisyon sa gobyerno... meron at merong lumalabas na BULOK.

      Delete
  12. This poem depicts the reality today. Indeed, these politicians doesn't have a heart or even compassion for these citizens who pay big taxes. I hope they'll not keep the money into their pockets.

    They have to remember this commandment "Thou Shall Not Steal!"

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas grabe pa nga dahil... Sinungaling na magnanakaw pa. Di ba't may kasabihan:

      "Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw"

      Ano pa kaya ang pwedeng itawag sa mga opisyal na yan?

      Delete
  13. I am not into poems (they're my writing weakness) but this is one poem that says everything about thieves and what we experience now. great poem and I hope more people will read this :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Ms Erin Joan! I love to write poems. Making this kind of composition is how I want my thoughts put into words.

      Delete
  14. Ganun talaga ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw... ayaw kasi nalalamangan. Ang totoong kawawa lang ay si Juan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si JUAN na bumuto sa kanila
      Si JUAN na nagtiwala sa kanila
      Si JUAN na ngayo'y magsisi man ay huli na.
      :(

      Delete
  15. Love this! Plus the images used are just right. sana talaban naman yang nasa gobyerno hay...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Paano pa kaya sila tatablan kung mas makapal pa ang mukha nila sa kanilang mga busog na bulsa?

      Delete
  16. nice one! Napoles should read this!

    ReplyDelete
    Replies
    1. If ever Ms Napoles is able to read this, I guess she will just raise her eyebrows.

      Delete
  17. Getting something that is not yours without permission is always considered stealing..But Karma is always around the corner, good luck to these modern age kawatans

    ReplyDelete
    Replies
    1. They can make people believe they're innocent but GOD knows their hearts... TRUTH may become LIE in any court trial but RIGHTEOUSNESS shall look down from heaven.

      Delete
  18. Really love how this poem is written. It makes me want to scream for justice!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po at nagustuhan mo ang pagkakasulat ng tula, Ms Kim. The title itself can make any Pinoy scream for justice that even kids know about the scam.

      Delete
  19. There's no better way to cry for justice than the strongest words of literature that lives forever.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Very well said, Sir Yamito! I hope this poem will somehow reach their knowledge and make a difference.

      Delete
  20. ang galing ng idea mo! in a poem pa. wow!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas makabuluhan ang isang paksa kung naipapahiwatig sa isang tula. Salamat, Ms Marie. :)

      Delete
  21. Dati magnanakaw muna bago tumakbo ngayon tatakbo muna bago magnakaw

    ReplyDelete

Your thoughts, ideas, opinions and suggestions about my post are highly appreciated. My deepest and warmest greetings to you. GOD bless always!