"TOTOO"


JOINING ME in this journey is...

Danlourd - the author of this poem


DANLOURD A. DE ASIS
- The author of this poem written in Filipino language, is an eligible bachelor with a stable career in AIG Shared Services as a Systems Analyst. DL, as fondly called is a music enthusiast with a gifted vocal chords according to some fanatics (these include his close friends and family, LOL!) and loves bar-hopping, backpacking (in and out of the country), going to the Gym and sweating out (aiming for an impressive ABS), taking snapshots (has an eye for photography), a bit hopeless romantic and has a talent for writing poetry deeper than depth like this one:


Totoo,
Lahat ng simula'y may katapusan
Kadalasan, hindi 'happy ending'
Ngunit walang lugar ang pagsisisi
Sa kwento ng tunay na nagmamahal

Sapagkat,
Sa iyo ko natutunang umibig
Pag-ibig na kayang tumanggap
Pag-ibig na hindi makasarili
Pag-ibig na nagbibibigay

Sa iyo ko rin naranasang ibigin
Taliwas man sa nakasanayan,
Isang napakasarap na pakiramdam
Hindi masukat, hindi maipaliwanag

Ngunit,
Sa iyo ko rin nadama ang lungkot
Pugtong mga mata, pagal na puso
Na dinadala hanggang humimbing
Nalunod sa kalaliman ng panaginip

Ayaw ko man, kailangang sumuko
Hindi dahil nawala na ang pag-ibig
Kundi dahil nawala na ang sariling
Matagal bago ko muling natagpuan

Oo,
Naiisip pa rin kita, hindi ko ikakaila
Ikaw ang unang taong hinandugan ko
Ng pagmamahal na labas sa kadugo
Iyo na ang isang bahagi ng pagkaako

Ang ako na kailanma'y di matatakot
Subuking muli ang sayaw ng pag-ibig
Ang ako na marapat kong unahing mahalin nang taos, nang buung-buo

Totoo,
Lahat ng katapusan ay nagbubukas ng bagong simula
Sasalubungin ang hamog sa pagkagat ng umaga
Nang maipagpatuloy ang malayo pang paglalakbay
Bitbit ang pawang masasaya't masasalimuot na karanasan

Ngayon, handa na ako, 
Tila isang paslit na nananabik sa kung anong surpresa 
Ang isisiwalat nitong buhay, na lagi't laging buhay
Upang masaksihan ang katotohanan ng pagmamahal


22 comments:

  1. Lahat ng kanyang tinuran ay may himig ng katotohanan

    ReplyDelete
    Replies
    1. ... at ang tulang ito ay nagsasaad ng TOTOO nyang nararamdaman sa kasalukuyan at batid ko kung gaano kalalim ang kanyang pinagdaanan.

      Delete
  2. Lahat ng mga nangyayari ay may dahilan at kung ito'y ating pagdaraanan, tayo ay mas magiging handa sa hinaharap.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ... at hindi mabuBUO ang ating pagkatao kung walang pagkaBIGO at hindi natin matututunan ang TUMAYO... kundi tayo nadaDAPA

      Delete
  3. Ang ganda naman ng tulang ito, napaka romantic!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga Ms Lanie... Meron kasi syang naging inspirasyon sa paggawa nito. Nabasa kaya nya :)

      Delete
  4. That's so sad. Tagos sa buto ko :). And I thought I was the only hopeless romantic...

    ReplyDelete
    Replies
    1. ... at tagos sa kaluluwa. Kapag tayo ang nagmahal nang tunay at nalasap ang pait ng pagkabigo, parang katapusan na ng mundo. Haaayyyy!

      Delete
  5. wow what a deep poem about love. it's my first time to hear the word "pagal". what does it mean?

    ReplyDelete
    Replies
    1. PAGAL means TIRED or exhausted. Sometimes when we LOVE, we feel tired. Tired not because we continue to share that special feeling with someone... but we feel tired forgiving the same mistakes.

      Delete
  6. wow this is a great poem! you can write a book with full of poems if you really love it! lots of people would like to read them! xx

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for the kind words Ms Mary Jane! Danlourd has a collection of his poems but some of them are yet to unravel.

      Delete
  7. Such a romantic poem about the greatest thing....LOVE :-) What a talent he has :-)

    http://www.homecookingwithjessy.com/where-to-buy-gorgeous-dress-for-your-bridesmaid/

    ReplyDelete
  8. marami tayong natututunan sa buhay at marami pang darating... kelangan lang maging matatag at manalig sa kakayahan. Yahweh bless.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ... at habang tayon ay nabubuhay, patuloy na titibok ang ating PUSO para magmahal kahit paulit-ulit na masaktan.

      Delete
  9. Like what others have said this poem is really great and romantic! Nkaka in love.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ... and I'm sure you are one romantic person as well. LOVE indeed is a wonderful feeling! :)

      Delete
  10. Pagal, pugtong, isisiwalat - mga tunay na katagang Filipino. Mahusay ang iyong tula. Thumbs up!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ito ay gawa ng aking kapatid na mahilig sumulat ng mga tulang nasa wikang Filipino.

      Delete
  11. tila may matinding pinagdaraanan ang lumikha ng tulang ito. maganda yata kung lapatan ng lirika! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung mahusay lang akong maglapat ng tunog at marunong mag-gitara man lang. Maganda nga itong maging isang kanta.

      Delete

Your thoughts, ideas, opinions and suggestions about my post are highly appreciated. My deepest and warmest greetings to you. GOD bless always!