Pages

"Ligawan Noon at Ngayon - Ano ang Pagkakaiba?"




-Photos not mine-


NOON...
Kahoy ay sinisibak
Tubig ay iniigib
Mabangong bulaklak
ang handog sa babaeng iniibig.


NGAYON...
Cellphone ang nasa kamay
o sa harap ng computer, naglamay
Nagkasagutan na ang dalawa
"In a relationship" na ang status nila.


Minsan naman, sa sobrang assuming, ganito ang peg




NOON...
Matagal-tagal ding sinuyo
ang dalagang iniirog
Nagpakipot pa nang husto
Bago ibigay, matamis na "OO".




NGAYON...
Isang text lang ang katapat
o tweet na kakilig-kilig
mahal na raw ang isa't-isa
Kaya naman, "M.U." na sila.


Ganito pa nga madalas nangyayari sa panahon ngayon



NOON...
Harana ang paraan
ng binata sa panliligaw
lumilikha pa ng awit
upang dilag ay mabingwit.


NGAYON...
Naglalagi na ang babae
sa bahay ng lalake
Nakakulong pa sa kwarto
at nakagawa na ng milagro.



Oh di ba.. mas marami pang karibal...



NOON...
Mahaba at makapal ang damit
sakong ay di man lang masilip
Kainip-inip ang unang halik
"No touch"... wala munang pagtatalik.


NGAYON...
Dibdib at binti ay nakalantad na
balewala lang kahit makitaan pa
Busog na busog ang mga mata
Kaya madaling magsawa ang mga binata.



Ngayon, pwedeng umayaw.. pera lng ang katapat



NOON...
Sa bukid namamasyal
may kasamang "chaperon" pa nga
o kaya'y sa park ang tagpuan
para lang kumain at magkwentuhan.


NGAYON...
Sa mall ang "meeting place" nila
Maglaro sa "arcade" o manood ng sine
and iba'y nagde-DATE sa park
sa damuhan, sa batuhan... PDA kahit saan.


NOON...
Liham ng busilak na pag-ibig
Tula ng tunay na pagmamahal
Awit ng pusong handang maghintay
Kahit ialay ang sariling buhay.


NGAYON...
Makabago na ang kababaihan
Naaangkin agad kanilang kagandahan
Bihira na ang seryosong ligawan
Bibihira na rin ang relasyong pangmatagalan.






23 comments:

  1. Hay, mas ok pa rin talaga ang old school. Sarap kaya ng sinusuyo at inaakyat ng ligaw sa bahay:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. TAMA! Karamihan kasi ng kabataan babae ngayon ay madaling mabola ng mga lalakeng hindi naman seryoso sa mga sinasabi nila.

      Delete
    2. tama!kaya dapit ang mga babae hindi dapat daling magpabingwit
      .. para matauhan ang mga lalaki na di tayo madaling makuha!

      Delete
  2. MAS MAGANDSA ANG NGAYON


    ReplyDelete
  3. well, may mangilan-ngilan pa rin namang mga lalaki ang old school ang ginagawa

    ReplyDelete
  4. hindi nmn lahat

    ReplyDelete
  5. Akyat bahay in short .. hahaha Joke

    ReplyDelete
  6. mas maganda talaga ang old school

    ReplyDelete
  7. Mas maganda ang takbo ng buhay kabataan ngayon kesa noon. Noon panahon ni jose rizal limitado ang kaalaman ng kabataan kesa ngayon panahon. Mas matatalino ag kabataan ngayon kesa noong panahon ni rizal. Mas maaasahan ng bayan ang kabataan ngayon dahil may youth participation na ang kabataan sa komunidad kesa noon panahon ng kabataan ni jose rizal na walang nman siyang naitulong komunidad para sa kabataan

    ReplyDelete
    Replies
    1. "...kabataan ni jose rizal na walang nman siyang naitulong komunidad para sa kabataan."

      Wag niyo pong sabihin na "wala" siyang nagawa dahil po kung hindi dahil kay Jose Rizal, yung iba pong mga problema ng Pilipinas ay hindi pa malulutas. Kaya po wag natin siyang bastusin o sabihan ng hindi kaaya-ayang salita. Pasalamatan pa rin po natin siya (kahit na nadgdagan ng aralin tayo dahil sa Noli Me Tangere.. Ako po ay nagsisisti lamang upang ang iyong araw ay gumaan :D)

      Delete
  8. mas maganda noon kc may respito ang mga lalaki

    ReplyDelete
  9. Maganda talaga noon nasusubaybayan pa ng magulang at may kailangang proseso pa para makamit ng binata ang matamis na oo'ng dalaga.

    ReplyDelete
  10. mas maganda ung noon...mas totoo mas maganda and mas sweet

    ReplyDelete
  11. Mas maganda ang takbo ng panahon noon kesa ngayon.kasi noon my mga galang at respeto Pero ngayon bihira nalang ang Ang merong ugaling ganun dahil puro puro kalokohan na ang uso sa panahon ngayon

    ReplyDelete
  12. Can I use this sa lesson ko sa Araling Panlipunan?

    ReplyDelete
  13. Saranghaeeeeeeeee iloveyoe be,

    ReplyDelete
    Replies
    1. are you from a pshs school?

      Delete

Your thoughts, ideas, opinions and suggestions about my post are highly appreciated. My deepest and warmest greetings to you. GOD bless always!