SIKRETO ba ika mo,
Meron nga ba?
Sa palagay ko...
WALA
pero may mga paraan
upang ito'y maisakatuparan.
Depende sa dalawang
nagdesisyong magsama
sa hirap o ginhawa
sa lungkot man o saya.
Meron bang "formula"
ang wagas na pagmamahalan
at walang hanggang suyuan?
Babae ba ang nagdadala
o ang salitang
FAITHFUL
ang dapat na sangkap para
Teka lang... teka lang
may naghihiwalay nga pala
sa di malamang dahilan
kahit walang
THIRD PARTY
nanlalamig... nananamlay
ang dating init ng pag-ibig
ay bigla na lang nawala
na parang bula.
Kailangan daw may
OPEN COMMUNICATION
ang madalas na pag-uusap
ay nakakatulong
para maintindihan
ang saloobin ng bawat isa.
Kaya pala si misis...
walang tigil ang bibig.
Maging sensitibo sa mga bagay
na magpapasaya sa
iyong kapareha
Pahalagahan
ang
FIVE SENSE ORGANS
Huwag kalimutang busugin
ang mga mata
iwasang maging losyang!
Kahit na may bilbil...
kailangan "sexy" pa rin.
Di naman kailangan ang
mamahaling pabango
huwag lang maging amoy...
"ewan ko"
Ang simpleng pagbulong ng
I LOVE YOU
ay sorpresang
nakakakiliti sa imahinasyon.
Ang mainit na haplos
ay nagsisilbing ningas
sa pusong nag-aalab.
Busugin ang panlasa...
masarap na pagkaing lutong-bahay man
o espesyal na pagsasalo
sa isang restawran.
Kahit maikling panahon
ay ialay bilang
BONDING TIME
Huwag bigyan ng daan ang
selos at pagdududa
Ngunit, subalit, datapwat
Huwag bigyan ng dahilan
upang ito ay maramdaman.
Kapag ang tiwala'y nawala
Mahirap na itong
ibalik pa.
Ang pinakamahalaga sa lahat
ay respeto sa isa't isa
Paniniwalang ispiritwal ay
mas mainam kung di magkaiba
Ito ang maggagabay
sa isang relasyong matagumpay
Ang pananampalataya ay sentro
ng ating pagkatao.
Mula noon hanggang ngayon...
Labing-siyam na taon
Kami ay pinatitibay ng
mga samut-saring karanasan.
Ang bawat sandali
ay dapat pahalagahan
Kayanin ang bawat paraan
para tumatag pa
ang binuo naming pamilya.
Kami, sa aming Anniversary date |
I enjoyed reading this mam ;)
ReplyDeleteI am more delighted to know you enjoyed reading this, Sir Jherson Jaya :)
Delete