Pages

"Mga Eksena ng Pag-ibig"

Marami na akong nasaksihang
mga eksena  ng pagmamahalan
May ubod nang lagkit sa sobrang "sweet"
konting kibot lang, nakahawak at nakadikit.




 Meron din iba dyan, parang yelo sa lamig
di man lang umaakbay, lambing nya'y nananamlay
Ngunit, subalit, datapwat, ganun lang pala siya
kailangan ng "privacy" para maging "showy".




Itong isang "couple" palaging nagbabangay
sigaw dito, sigaw doon ang naririnig ng kapitbahay
pero pag bati na sila, parang walang nangyare
Hawak-kamay pa ang dalawang naglalakad sa kalye.




Selos ang ugat ng palagi nilang pagtatalo
Walang tiwala sa isa't isa, eh bakit pa nagsasama?
Marahil ganito talaga pag mahal mo ang isang tao
Nagiging bulag at bingi... OK lang kahit api.




Nagkatagpo ang dalawang hiwalay sa asawa
May mga sariling anak sa mga naging "ex" nila
Nagsama sa isang bahay... naging maayos naman ang buhay
Wala mang papel na hawak, di naman naghihiwalay.




Itong si lalake, dakilang tambay na, tamad pa
Nagkandakuba na sa trabaho ang masipag na misis niya
Walang silbi ang haligi kaya ang ilaw ng tahana'y napundi
ngayon sila'y nabibilang na sa "broken family".




Isang linggong pag-ibig ang "peg" nitong dalawa
Dahil sa kapusukan, ang isang gabi ay nagbunga
Natigil sa pag-aaral, nasira ang kinabukasan
Hindi kasi nakinig sa pangaral ng mga magulang.




Pinagtagpo ang dalawang pusong nabigo
Sinubukang magmahal muli, mga pangarap ay nabuo
Ngunit isang iglap, sa isang mababaw na dahilan
sumuko ang isa't ang sinimula'y tinuldukan.




Ang "long distance love" daw ay di nagtatagal
pero bakit ang iba, di napapagal
magkalayo man sila ay walang sawang nag-uusap
di nawawalan ng pag-asang muli silang magyayakap.


Nagtiis na sya nang ilang taong pagdurusa
Naging "punching bag" na nga, di pa rin umaalma
pagod na ang katawan pati na ang isipan
katangahan para sa iba... kaligayahan para sa kanya.




Masalimuot na relasyon ang pinasukan nila
Bawal na pag-ibig ng taksil na asawa
Pilit na tinatago ang kanyang "other woman"
pero itong si "legal wife" di susuko sa laban.




Naka-"relate" ka ba sa mga eksenang ito
kundi man, ano ang kwento ng "love life" mo
I-"share" mo naman para malaman ko
at magkaroon din ng "idea" ang aking mambabasa.


-Photos not mine-


No comments:

Post a Comment

Your thoughts, ideas, opinions and suggestions about my post are highly appreciated. My deepest and warmest greetings to you. GOD bless always!