Alon, buhangin at mga bato
Mga punong nagsasayaw sa pag-ihip ng hangin
lagaslas ng tubig na yumayapos sa pampang
iba't-ibang mga tao... may sari-saring kwento.
o kaya'y mga bagong karanasang nagbibigay ngiti
dumuduyan sa bawat pag-ikot ng paningin
sulyap ng isang pag-ibig... nag-alab sa apoy na lubid.
Mga halakhak, ingay na tila walang puknat
mga boteng nagpatumba sa uhaw na lalamunan
sayawan at kantaha'y nagpapaindayog sa kalikasan
Buwan at bituin ang naging saksi sa magdamagang kabaliwan.
At pagsikat ng haring araw... tana'y nagbubunyi
sa hatid nitong init na nanunuot sa kalamnan
Kanya-kanyang paraan sa buhanginan
Malasap lang ang sinag na humahaplos sa buong katawan
Sa BEACH.... nagaganap ang samu't-saring karanasan
piktyur dito, "selfie" doon... lakad dito, laro doon
ang karagatan at dalampasigan ay laging nakaantabay
sa bawat pagdating at pag-alis ng mga nilalang bagong salta man o datihan.
piktyur dito, "selfie" doon... lakad dito, laro doon
ang karagatan at dalampasigan ay laging nakaantabay
sa bawat pagdating at pag-alis ng mga nilalang bagong salta man o datihan.
Nice photos and beach poem. :)
ReplyDeleteStyle and Glow
Kind words like these make me more inspired. Thanks Elle!
Delete