AMA, Haligi ng Tahanan


Kiko and Papa Ariel
Kiko and Papa Ariel


Iba't-ibang klase ang ama sa mundo...

Merong tahimik, walang imik
subalit kapag nagbitiw na ng salita
tumatagos sa puso, 
tumatanim sa isip, ramdam ang bawat titik.

May tatay na madaldal
and bibig niya'y walang tigil 
paulit-ulit  lang ang sinasabi
kaya wala nang halaga ang salitang namumutawi.

Merong may-kaya, mayaman
naibibigay ang lahat sa mga minamahal
subalit kulang sa panahon
upang makapiling sila nang mas matagal.

May tatay na kapos, salat sa salapi
kayod man nang kayod, di pa rin sapat
ngunit ang pagod sa maghapon ay di alintana
maitaguyod lang ang binuong pamilya.

Merong amang iresponsable
walang ginawa kundi, mambabae
May tatay rin na patambay-tambay
walang pakialam, di marunong gumabay.

May tatay na nangibang-bansa
tunay na dakila ang tulad nya
 nilabanan ang lungkot at pangungulila
sa naiwang anak at asawa.

Ang ating ama ang haligi ng tahanan
sya ang nagpapatatag
sa pundasyon ng pamilya...
at nagsisilbing kalasag sa anumang laban.

Ano mang uri ng ama
ang ipinagkaloob sa atin
tayo'y magpasalamat sa Poong Maykapal
sapagkat kung wala sila...
di tayo magiging tao
walang ikaw... walang ako.


No comments:

Post a Comment

Your thoughts, ideas, opinions and suggestions about my post are highly appreciated. My deepest and warmest greetings to you. GOD bless always!