"Hubad na Katotohanan"


Hubad na katotohanan


Sa paghilig ng ulo sa unan,
Isa-isang nagsilaglagan ang mga alaala.
Tila mga barahang binabalasa.
Mabilis ang pagpapalit, patuloy ang pagpapakita.
Ang nakaraan ibinulsa sa isang bahagi ng isipan.
Isinilid din sa hiwa ng pusong nasugatan.


Sa mahigpit na kapit ng mga bisig,
Yapos ang samu't saring mga dalangin.
Walang tigil, walang impit na pagsambit.
Hikahos ang tinig, pasigaw ngunit 'di marinig.
Pagsusumamong ang hiling ay mapalaya
Sa pagdurusang ang sarili rin ang may gawa.


Sa pagpikit ng mga mata,
Kusang dumaloy ang pinipigilang mga luha.
Binasa ang mga larawan ng mapait na nakaraan.
Tatakasan ang pagkabigo, lilipad, maglalaho.
Ngunit bitbit pa rin ang isip at puso.
Saan man magtungo, nananatiling bilanggo.


Bilanggo ng kahapong bukas magbabalik.
Nakakulong sa masukal na sulok ng silid.
Nangangapa, nang-aapuhap ng kung anong masalig.
Nagpapakalunod sa ibabaw ng langit.
Nakahandusay, walang saplot sa gitna ng lamig.
Hatid ng pighating dulot ng tunay na pag-ibig.



(Isinulat Mula Sa Puso Ng Isang Binigo Ng Tunay Na Pag-ibig)


12 comments:

  1. wow..galing naman..i beleive we all need to fail on something to be a better person..kanya-kanya lang na diskarte how to deal with it.
    good composition.
    Postcard and Travel Lover

    ReplyDelete
  2. Galing galing mo sis, makatang makata. May dugon balagtas ka ata hehehe.

    ReplyDelete
  3. wow such a heartbreaking poem! i have to read it like 3x though as i can never understand poems that fast haha

    ReplyDelete
  4. Ah... Love :-)

    Whoever wrote this poem has a good command of Tagalog. I wish I can write as fluent as the writer.

    ReplyDelete
  5. Ang ganda naman. How I wish makalikha rin ako ng tulad nito. Naniniwala ako na ang isang kabiguan ay nakalilikha ng isang obra maestrang akda.

    ReplyDelete
  6. Tanging isang taong dumaan sa pagkabigo sa pag-ibig and makapagsusulat ng ganitong tula. Totoong-totoo.

    ReplyDelete
  7. I love the rhythm and the rhyme, plus you have an interesting poetry title. I enjoyed reading this poem, sis!

    ReplyDelete
  8. i love how you can create such a nice outcome in your post like a poem, keep it coming

    ReplyDelete
  9. Ang ganda... damang-dama ang pait ng karanasan. Sana makasulat din ako ng tagalog piece kaya lang onti lang ang alam kong totoong tagalog words. Puro taglish, modern tag and gay lingo. Congrachumaleyshons sisterette! Ang shalla ng tula metch! You already! Love it to pieces!

    ReplyDelete
  10. yay, I super like the photo...it goes well with the poem...:)

    ReplyDelete
  11. The pain caused by loving someone indeed makes the person grow stronger and tougher.

    ReplyDelete
  12. Wow naman! Feel na feel ko talaga ang emosyon habang binabasa ko ito.

    ReplyDelete

Your thoughts, ideas, opinions and suggestions about my post are highly appreciated. My deepest and warmest greetings to you. GOD bless always!