Pages

The Making of Hello FOREVER

Sa loob ng mahigit isang buwang pagsusunog ng kilay, natapos ko rin ang first ever serious Youtube vlog ko at eto na nga ang BTS o behind the scenes ng "Hello FOREVER". 

Tinanong ako ng bunso kong anakshie na si KIKO noong pinapanood ko sa kanya ang raw video at ang tanong nya sa akin ay ganito...

    "Mama, saan ka nahirapan sa paggawa ng video mo?

Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa tanong nya. Pero ipaliwanag ko man sa kanya isa-isa kung saan nga ba ako nahirapan, baka hindi lang nya ako maintindihan dahil sa pagta-type pa lang sa keyboard ay super bagal ko na samantalang sya na 11 years old pa lang ay kapado na ang bawat letra. Bakit nga ba hindi ako natuto sa proper placing ng daliri sa keyboard para habang nagta-type ako ay nakatingin lang ako sa screen para madali lang matapos ang isang blog post ko.

Para sas inyong kaalaman ay ishe-share ko na rin kung paano ko nagkanda-ugaga sa paggawa ng video na ito. Ako ay isang 24/7 na momshie kaya habang wala akong gawa sa bahay, ay nasa harap ako ng aming computer. Mabuti na lang at nakabili ako ng bago dahil uugud-ugod na ang dati naming PC dahil isang dekada na rin naman namin syang nagamit.

  1. Para akong  nag-aral ng online courses: animation, editing, movie making, voice-over speaking, sound recording
  2. Nag-research kay google kung pano ba to, pano ba yun
  3. Nanood ng mga tutorials sa youtube 
  4. Nag-download ng mga png images, clipart, sound effect at music background na dapat walang copyright issues
  5. Nag-cut ng mga pictures/images at nag-trim ng mga sound effects para sakto sa timing
  6. Inaral ko ulit ang MS PowerPoint
  7. Nagamay ko na rin kahit papano ang Toonly software
  8. Ilang beses nag-trial and error sa pag-export ng videos from Toonly and PPT
  9. Ang kaso, ilang beses rin akong nag-upload sa youtube pero may copyright claim. Muntik na akong sumuko pero laban lang.. At sa wakas, napag-tagumpayan ko!!! YEHEY!
  10. Kung hindi sana ako naglalaba, nagluluto, nagpupunta sa grocery, bumibili ng gamot sa Mercury, bumibili ng ulam, naglilinis ng bahay, naghahanda ng pagkain, nagwawalis sa labas at nagdidilig ng aking mga halaman, baka mas madali kong natapos. Hehehehe 😅
Dun dun dun... ito na po ang finished product ng aking pinaghirapan... ENJOY WATCHING and don't forget to subscribe to my channel for more videos.




No comments:

Post a Comment

Your thoughts, ideas, opinions and suggestions about my post are highly appreciated. My deepest and warmest greetings to you. GOD bless always!