Pages

"Ikaw, ano ang HUGOT mo?"

Kumusta naman ang puso mo? Ok ba ang mga kaganapan sa buhay-buhay? Sana, wala ka namang pinagdadaanan ngayon. Kung meron man.. "daanan mo lang at wag mong tambayan."

Image from the web

"It's easier said than done." Dahil para sa iba, hindi lang isang iyak ang problema. Balde-baldeng luha ang dadaloy sa mga mata bago maka-move on. Kahit nga tunggain pa ang lahat ng red horse sa mundo. Malalasing lang at makakalimot nang konti pero paggising... TULALEY pa rin ang peg ng lola mo (o lolo kung lalake. Hehehe!) 

Maraming nangyayari sa mundo na mahirap ipaliwanag at maintindihan pero wala naman tayong ibang pwedeng gawin kundi, ang tanggapin ang mga ito at ilagay sa isip na... "pagkatapos ng ulan ay sisikat muli ang Haring Araw para magbigay ng bagong pag-asa."

Meron naman akong kakilala, akala mo kung sinong makapanghusga ng kapwa nya.. Biruin mo ba naman, ang sabi sa kapit-bahay nya...

    "Hoy, bakit ka ba nakatalikod. Humarap ka! Kung anong pangit ng mukha mo, sya ring pangit ng ugali mo!"

Si ate girl naman.. kung makapanglait. Eh lahat naman tayo ngayon, mata na lng ang nakikita dahil sa naka-face mask na, naka-face shield pa. "Bawal ang judgemental noh..."

Image not mine

Ang hirap ma-please ang mga tao ngayon, lalo na ang mga millenials. Masyado silang mabilis mag-isip... padalus-dalos pero mainipin. Dahil na rin siguro sa technology. Eh biruin mo ba naman.. ang ligawan, virtual na ang approach. Iba pa rin yung may physical touch pero hindi yung iniisip nyo ha. Ang ibig kong sabihin.. yun bang nag-uusap ang mga mata hindi ang mga daliri sa kakatipak.

"Bakit ba masarap ang magmahal?" Eh kasi, sweet ang cupcake ko 👫

"Bakit masakit naman din ang magmahal?" ACHE kasi, he broke my heart 💔

Sa aking palagay, hindi malalim ang nagiging pundasyon ng mga relasyon ngayon dahil na rin sa digital world.

Image not mine

Napapansin ko ngayon, malaki ang epekto ng social media  sa mga tao lalo na emotionaly. Kung ano ang nararamdaman mo, negative man o positive.. naka-post agad sa Facebook. Hindi ko naman nilalahat pero karamihan. Yung iba sa Twitter dinadaan ang rants.. pwede pa nga mga bad words 👎 Kung sabagay, kanya-kanya tayo ng paniniwala. "Walang basagan ng trip."

Oh pano, hanggang dito na lang muna. Abangan nyo ang next post ko. Part 2 ng hugot lines.


No comments:

Post a Comment

Your thoughts, ideas, opinions and suggestions about my post are highly appreciated. My deepest and warmest greetings to you. GOD bless always!