Showing posts with label Tagalog. Show all posts
Showing posts with label Tagalog. Show all posts

"WAGAS"

Wagas by Simplymarrimye


Bakit kailangan pang magmakaawa..
sayangin ang luha't walang kapagurang umasa?
 Imulat ang iyong mga mata 
Ang taong wagas ang pagtingin
ay kusang darating.




"Mga Hari ng Sablay"

"Nasaan ba ang Matuwid na Daan?" by simplymarrimye


"Ano na naman itong pinagpipyestahan
ng madlang pipol sa internet at pahayagan?
Binubusisi ang pera't ari-arian
ng isa namang opisyal ng pamahalaan."


"Bakit di mailabas ang tunay na halaga
ng yamang tila pinagdududahan?
Di na sila natuto sa mga nakaraang kahihiyan.
Ilan pa ba talaga, ang makabagong kawatan?"


"Sila,.. na dapat ang nagsisilbing ehemplo
at sandigan ng sambayanan
Sila... na dapat gumagabay at sumusubaybay..
ay sila pala itong... mga HARI NG SABLAY."


"Nasaan na nga ba ang matuwid na daan?
Patungo ba sa kaliwa na baku-bakong ituran
o papunta sa kanan para sa maayos, matapat
 at maginhawang kinabukasan?"


"Kasabihan, NOON at NGAYON Part 2"

"Kasabihan, NOON at NGAYON Part 2" by simplymarrimye


"Kung dati, kailangan nating tumanaw ng utang na loob
sa mga taong gumawa ng kabutihan sa atin."

Pero sa panahon ngayon, maraming kalalakihan 
gumagawa lang ng maganda kung SEXY ang kaharap nya."


"Kasabihan, NOON at NGAYON"

"Kasabihan, NOON at NGAYON" by simplymarrimye


"Kung dati, masugid munang manliligaw 
ang binata sa dalagang naiibigan.
Pero sa panahon ngayon, text lang at chat
ang katapat.. sila na agad."

"Kung dati, kasal muna bago magsiping
ang dalawang pusong nagmamahalan.
Pero sa panahon ngayon, may SCANDAL pang kumakalat.. 
kahihiyang sino ang may kagagawan?"


DEBUT ko Noon, DEBUT nya Ngayon - Part 2


Catering ng Frecel's Cuisine
Catering ng Frecel's Cuisine


Di makukumpleto ang handaan
kung walang "chibugan"
Salamat sa Frecel's Cuisine
ang mga dumalo ay di nabitin.

Simple pero elegante
 ang loob at labas ng "venue"
 dahil sa Rave Party One
siguradong OK ang "lights and sound"!

DEBUT ko Noon, DEBUT nya Ngayon - Part 1

Ang Debutante at ako
Ang Debutante at ako

Naisip ko lang
ang malaking kaibahan
nang aking ipagdiwang
ang ikalabing-walong kaarawan.

Naghanda lamang nang kaunti
para pagsaluhan
ng aking pamilya
at ilang kaibigan.

Naalala ko pa nga
palapa pa ng niyog
ang nagsilbing dibisyong nilagay
sa labas ng aming bahay.

"Ligawan Noon at Ngayon - Ano ang Pagkakaiba?"




-Photos not mine-


NOON...
Kahoy ay sinisibak
Tubig ay iniigib
Mabangong bulaklak
ang handog sa babaeng iniibig.


NGAYON...
Cellphone ang nasa kamay
o sa harap ng computer, naglamay
Nagkasagutan na ang dalawa
"In a relationship" na ang status nila.


Minsan naman, sa sobrang assuming, ganito ang peg


ILAW ng Tahanan





Nagsimula ang lahat 
sa kanyang sinapupunan
Ang binhi'y inaruga sa loob 
ng siyam na buwan
Unang sulyap sa liwanag
ng sanggol na iniluwal
Pag-asa ng buhay
para sa 
ANAK
 nyang mahal.

Paggising sa umaga
paslit na ang kanyang gagap
upang malusog na gatas nya
ay maipalasap.
Habang lumalaki, 
siya pa rin ang hanap-hanap
Mainit nyang pagmamahal
at mahigpit nyang yakap.

Paghawak sa Tamang Paraan


Credits

Di ko pa naranasan
ang humawak ng isang ibon,
subalit batid ko
na may tamang paraan.
Hawakan sya nang mahigpit
maaaring syang mamatay.