Showing posts with label Tula. Show all posts
Showing posts with label Tula. Show all posts

"Mga Hari ng Sablay"

"Nasaan ba ang Matuwid na Daan?" by simplymarrimye


"Ano na naman itong pinagpipyestahan
ng madlang pipol sa internet at pahayagan?
Binubusisi ang pera't ari-arian
ng isa namang opisyal ng pamahalaan."


"Bakit di mailabas ang tunay na halaga
ng yamang tila pinagdududahan?
Di na sila natuto sa mga nakaraang kahihiyan.
Ilan pa ba talaga, ang makabagong kawatan?"


"Sila,.. na dapat ang nagsisilbing ehemplo
at sandigan ng sambayanan
Sila... na dapat gumagabay at sumusubaybay..
ay sila pala itong... mga HARI NG SABLAY."


"Nasaan na nga ba ang matuwid na daan?
Patungo ba sa kaliwa na baku-bakong ituran
o papunta sa kanan para sa maayos, matapat
 at maginhawang kinabukasan?"


"Kasabihan, NOON at NGAYON Part 2"

"Kasabihan, NOON at NGAYON Part 2" by simplymarrimye


"Kung dati, kailangan nating tumanaw ng utang na loob
sa mga taong gumawa ng kabutihan sa atin."

Pero sa panahon ngayon, maraming kalalakihan 
gumagawa lang ng maganda kung SEXY ang kaharap nya."


"Kasabihan, NOON at NGAYON"

"Kasabihan, NOON at NGAYON" by simplymarrimye


"Kung dati, masugid munang manliligaw 
ang binata sa dalagang naiibigan.
Pero sa panahon ngayon, text lang at chat
ang katapat.. sila na agad."

"Kung dati, kasal muna bago magsiping
ang dalawang pusong nagmamahalan.
Pero sa panahon ngayon, may SCANDAL pang kumakalat.. 
kahihiyang sino ang may kagagawan?"


"Punctuation Marks ni Misis"


Photo not mine


Kapag ginagabi na ng uwi  si honey...
(question mark)
"Bakit ngayon ka lang?"

Kapag inuumaga na siya ng pagdating...
(exclamation point na patanong)
"Saan ka galing !!!"

"Control-Alt-Delete"

Control-Alt-Delete by Simplymarrimye


May mga taong sadyang manhid
Hindi man lang marunong makiramdam.
Sadyang dedma lang at walang pakialam.

Sa mga nilalang na may pusong-bato,
ano nga ba ang dapat sintensya?
Eh di... i-unfriend o unfollow mo na lang sila.

AMA, Haligi ng Tahanan


Kiko and Papa Ariel
Kiko and Papa Ariel


Iba't-ibang klase ang ama sa mundo...

Merong tahimik, walang imik
subalit kapag nagbitiw na ng salita
tumatagos sa puso, 
tumatanim sa isip, ramdam ang bawat titik.

"Hubad na Katotohanan"


Hubad na katotohanan


Sa paghilig ng ulo sa unan,
Isa-isang nagsilaglagan ang mga alaala.
Tila mga barahang binabalasa.
Mabilis ang pagpapalit, patuloy ang pagpapakita.
Ang nakaraan ibinulsa sa isang bahagi ng isipan.
Isinilid din sa hiwa ng pusong nasugatan.

"Sa BEACH"



Alon, buhangin at mga bato
Mga punong nagsasayaw sa pag-ihip ng hangin
lagaslas ng tubig na yumayapos sa pampang
iba't-ibang mga tao... may sari-saring kwento.


Sa BEACH - pic1

Sa BEACH - pic2

"Mga Eksena ng Pag-ibig"

Marami na akong nasaksihang
mga eksena  ng pagmamahalan
May ubod nang lagkit sa sobrang "sweet"
konting kibot lang, nakahawak at nakadikit.




 Meron din iba dyan, parang yelo sa lamig
di man lang umaakbay, lambing nya'y nananamlay
Ngunit, subalit, datapwat, ganun lang pala siya
kailangan ng "privacy" para maging "showy".

"Usapang Lapis"


Photo not mine



MAHABA...
ang sukat nito
Umiikli kapag madalas gamitin
PAYAT...
Dapat lang!
Para madaling hawakan ano man ang gagawin.

MURA
ang presyo nito
Kaya pwedeng bilhin kahit sa suking tindahan.
MAGAAN
Syempre naman!
Para mainam dalhin kahit saan.

Pangako



Nangako ka na ba?
Malamang... OO ang sagot mo
Eh, natupad mo ba?
Malamang... yung iba, hindi pa.

Sino ba ang seryoso?
Lahat tayo nagbibitiw ng salita
depende na lang sa tao
kung taos sa puso at di nagbibiro.

"Sikreto ng Matagal na Pagsasama"



SIKRETO ba ika mo,
Meron nga ba?
Sa palagay ko... 

WALA

pero may mga paraan 
upang ito'y maisakatuparan.
Depende sa dalawang 
nagdesisyong magsama
sa hirap o ginhawa
sa lungkot man o saya.

Meron bang "formula"
ang wagas na pagmamahalan
at walang hanggang suyuan?
Babae ba ang nagdadala
o ang salitang

FAITHFUL

ang dapat na sangkap para
mapanatili ang tamis at sarap.

DEBUT ko Noon, DEBUT nya Ngayon - Part 2


Catering ng Frecel's Cuisine
Catering ng Frecel's Cuisine


Di makukumpleto ang handaan
kung walang "chibugan"
Salamat sa Frecel's Cuisine
ang mga dumalo ay di nabitin.

Simple pero elegante
 ang loob at labas ng "venue"
 dahil sa Rave Party One
siguradong OK ang "lights and sound"!

DEBUT ko Noon, DEBUT nya Ngayon - Part 1

Ang Debutante at ako
Ang Debutante at ako

Naisip ko lang
ang malaking kaibahan
nang aking ipagdiwang
ang ikalabing-walong kaarawan.

Naghanda lamang nang kaunti
para pagsaluhan
ng aking pamilya
at ilang kaibigan.

Naalala ko pa nga
palapa pa ng niyog
ang nagsilbing dibisyong nilagay
sa labas ng aming bahay.

"Ligawan Noon at Ngayon - Ano ang Pagkakaiba?"




-Photos not mine-


NOON...
Kahoy ay sinisibak
Tubig ay iniigib
Mabangong bulaklak
ang handog sa babaeng iniibig.


NGAYON...
Cellphone ang nasa kamay
o sa harap ng computer, naglamay
Nagkasagutan na ang dalawa
"In a relationship" na ang status nila.


Minsan naman, sa sobrang assuming, ganito ang peg