Grabe!!! Ay grabe talaga!!!
Sino ba ang mag-aakala na ang pinaka-BEE-dang fastfood chain sa Pilipinas ay mana-KNOCKDOWN ng COVID-19? Sino rin ang mag-aakala na ang paboritong pulang mascot na bubuyog ay naka-quarantine din? At sino rin ang mag-aakala na wala munang magaganap na birthday celebrations at special occassions na ang handa ay ang LANGHAP-SARAP na chickenjoy?
Ganito sya noong bago mag-pandemya. Isang damakmak na tao.. Bagets man o senior citizens, SUKI niya. Hindi nawawalan ng mahabang pila.
At ang saya-saya, noh? Papicture dito.. Selfie doon. Napakarami mong nabusog na madlang pipol hindi lang nationwide, worldwide pa. Hindi mabilang na mga memories na naging parte na ng buhay ng bawat PILIPINO saan man sa mundo. Kahit nga ibang lahi, napa-bilib mo JOLLIBEE...
Pero nasaan ka na? Miss ka na namin. Nakaka-order pa rin naman dahil sa online delivery pero iba pa rin yung nakikita ka namin na nagungulit sa store lalo pag may parties. Ang galing-galing mo sumayaw. Mabuti na lang at may nag-compile ng mga HATAW mo sa dance floor. SALAMAT sa video na to at kahit papano, nakita ka namin sa TIKTOK.
Because of this coronavirus pandemic, Jollibee Foods Corporation temporarily closed half of its stores worldwide leading to a P10.2 billion net loss in the second quarter of 2020. According to JFC CEO Ernesto Tanmantiong...
"The business results were very bad but in line with our forecasts. We are now focusing on rebuilding our business moving forward along with implementing major cost improvements under our Business Transformation program."
While JFC chief financial officer Ysmael Baysa said...
"The business transformation plan includes closure of 255 company-owned stores, change in ownership of 95 stores, pre-termination penalties in US and China and closure of supply chain facilities, among others."
Here's how Jollibee stores deal with the current situation. No more crowds... No more long queue lines... No more happy faces because the SMILES are covered by masks and face shields.
Ooooops... Wag naman masyadong malungkot. Ika nga,.."There's always a rainbow after the rain." Kailangan nating buhayin ang pag-asa sa ating puso na malalampasan natin ang krisis na ito. Pasasaan ba't masisilayan din natin ang muling pag-ngiti ng ating pambansang BFF... si Jollibee.